^

Metro

‘Daga palit cash’, umarangkada sa Marikina

Emmanuel Tupas - Pilipino Star Ngayon
�Daga palit cash�, umarangkada sa Marikina
Nag-alok ng cash incentives ang pamahalaang lungsod ng Marikina sa mga residente para sa bawat daga na kanilang mahuhuli o mapapatay para malabanan ang leptospirosis.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Nag-alok ng cash incentives ang pamahalaang lungsod ng Marikina sa mga residente para sa bawat daga na kanilang mahuhuli o mapapatay para malabanan ang leptospirosis.

Ayon kay Vice Mayor Marion Andres na may inilaang P50,000 para sa ‘Kampanya Kontra Lepto: Daga Mo Palit Cash’ program, kasabay nang pagtuturing sa daga bilang public enemy no. 1 sa lungsod.

Sinabi ni Andres na kahapon lamang may 20 katao ang nag-avail sa program kung saan ang isa ay kumita ng P400 para sa tatlong malalaking daga.

Kasabay naman nito, siniguro ng bise-alkalde na walang outbreak ng leptospirosis sa lungsod, gayunman ang kanilang aksyon ay bilang paghahanda lalo pa nga’t inihayag ng PagAsa na mara­ming bagyo ang inaasahan sa buwan ng Oktubre.

“May mga dara­ting daw na bagyo kaya minabuti na natin na may programa,” dagdag pa nito.  

vuukle comment

CASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with