^

Metro

Beybi ng nakapiit na aktibista, inilibing na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Kahit sa huling pagkakataon ay hindi na nahawakan pa ng aktibistang si Reina Mae Nasino ang labi ng 3-buwang gulang na anak, dahil hindi na ito  pinayagang alisan ng posas sa loob ng Manila North Cemetery, kahapon ng hapon.

Nagkarooon din ng tensyon sa paglilibing sa sanggol na si Baby River, nang  pagbawalan ng mga eskort na mga tauhan ng Bureau of Jail Management ang Penology (BJMP) si Nasino sa pagtatanong ng media na tinangkang ibalik na kaagad sa Manila City Jail kahit hindi pa tapos ang 3 oras na ipinahintulot ng korte na mula ala -1:00 ng hapon hanggang alas- 4:00 ng hapon ng Oktubre 14 at Oktubre 16.

Si Baby River ay namatay sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa acute respiratory distress syndrome. Iginiit naman ng mga sumusuporta kay Nasino na ‘overkill’ ang ginawang pagbabantay ng maraming pulis kay Nasino na bukod sa babae ito, nakaposas at nakasuot pa ng personal protective equipment (PPE) kaya malabong tumakas ito .

vuukle comment

PGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with