^

Metro

Online classes sa Valenzuela kanselado kung may bagyo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Online classes sa Valenzuela kanselado kung may bagyo
Ito umano ay ayon sa pa­nuntunan ng suspensyon ng klase kahit pa sa umiiral na distance learning.
Philstar.com/ Gladys Cruz

MANILA, Philippines  — Sa kabila na nasa bahay naman ang mga estudyan­te  sa kanilang pagkakla­se, inihayag ng Pamahalaang Lungsod ng Valen­zue­la na kanselado ang online clas-ses dito kapag may bagyo.

Ito umano ay ayon sa    pa­nuntunan ng suspensyon ng klase kahit pa sa umiiral na  distance learning.

Nakapaloob dito na  kung signal no. 1, suspendi­do ang klase sa pre-school at kindergarten sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Magpapatuloy pa rin ang broadcast ng Valenzuela Live at ang mga talakayan sa klase at ang mga nagdaang aralin ay ia-upload at maaa-ring mapanood sa itinalagang YouTube channel.

Wala namang klase sa preschool, kindergarten, ele­mentary at high school sa mga pampubliko at pribadong paaralan kapag signal No. 2 at maging ang broad-cast ng Valenzuela Live at ang mga tala­kayan sa klase ay suspendido.

Samantala, pati trabaho ng Department of Education ay kanselado na kapag signal no. 3, maging ang broadcast ng Valenzuela Live at tala­kayan sa klase.

Maaaring panoorin ang mga nakalipas na aralin sa itinakdang YouTube channel upang makapagbalik-aral ang mga estudyante at hinihikayat ang sariling pag-aaral gamit ang mga learning mo-dules.

vuukle comment

VALENZUELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with