^

Metro

Operasyon ng Pasig River ferry service, muling sinuspinde

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Operasyon ng Pasig River ferry service, muling sinuspinde
Para sa kaligtasan ng mga mananakay, babalik din kaagad sa normal ang operasyon ang PRFS kung magiging passable na ang Pasig River.
Edd Gumban

Dahil sa water lily

MANILA, Philippines  — Ipinatigil na naman kahapon ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS) dahil sa makapal na water lily.

Simula kahapon (Oktubre 14) ang suspensiyon ng mga biyahe dahil na rin sa sobrang dami ng mga nakaharang na  water hyacinths sa waterway.

Para sa kaligtasan ng mga mananakay, babalik din kaagad sa normal ang operasyon ang PRFS kung magiging passable na ang Pasig River.

Tiniyak naman ng ahensiya na regular ang kanilang clean-up activities sa ilog gamit ang trash skimmer, trash boat at trash trap  para makolekta ang mga water hyacints  at mga lumulutang na basura.

Magugunitang noong Oktubre 8 lang nang mag-resume ang operas­yon ng Pasig River Ferry sa short distance trips mula Pinagbuhatan sa Pasig City  hanggang sa Sta. Ana, Maynila kasunod ng kanselasyon ng mga biyahe noong Okt. 3 dahil din sa water lily.

Matagal ding hindi nag-opereyt ang biyahe nito simula noong Marso 17, 2020 dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.

vuukle comment

PASIG RIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with