^

Metro

400 patalim, iba pang armas nadiskubre sa Bilibid

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
400 patalim, iba pang armas nadiskubre sa Bilibid
Sinuyod ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang Building 5 at 8 nitong Lunes ng hapon na inookupa ng ‘Sputnik at Commando ‘ gangs.
The STAR/Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines  — Higit  sa 400 mga patalim at iba pang armas ang nadiskubre ng mga tauhan ng New Bilibid Prisons (NBP) sa ginawang ‘Oplan Galugad’ sa dalawang gusali sa ‘maximum security compound’ ng mga sangkot sa riot nitong Oktubre 9.

Sinuyod ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang Building 5 at 8 nitong Lunes ng hapon na inookupa ng ‘Sputnik at Commando ‘ gangs.

Dito nadiskubre ang sari-saring mga armas tulad ng lagari, martilyo, crowbars at mga kahoy na pamukpok.  Nakatago ito sa mga selda, mga pansamantalang tirahan habang ang ilan ay ibinaon pa sa lupa.

Isinagawa ang paggalugad makaraang makatanggap ng ‘intelligence report’ ang BuCor na patuloy na may mga maiinit na miyembro ng dalawang gang at nagpaplano muli ng karahasan.

Ito ay sa kabila ng pakikipagdayalogo ni BuCor Director General Gerald Bantag sa mga lider ng dalawang gang na nangako na ititigil na ang kanilang iringan.

Matatandaan na isang riot sa pagitan ng dalawang gang ang naganap nitong Biyernes kung saan siyam na bilanggo ang nasawi habang pito pa ang sugatan.

Nag-umpisa nang magsagawa ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa insidente makaraang hindi makuntento si Department of Justice Secretary Menardo Guevarra sa inisyal na ulat na isinumite ng BuCor sa kaniya.

vuukle comment

NBP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with