^

Metro

18-65 years old, payagan nang makalabas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
18-65 years old, payagan nang makalabas
Ang rekomendasyon ay bahagi nang pagsusumikap ng MMC, na binubuo ng mga alkalde mula sa Metro Manila, na makabangon nang muli ang ekonomiya sa rehiyon, sa gitna nang patuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Miguel De Guzman/File

Irerekomenda ng MMC

MANILA, Philippines — Irerekomenda ng Metro Manila Council (MMC) na payagan nang makalabas ng kanilang mga tahanan ang mga nasa edad  18 hanggang 65 taong gulang.

Ang rekomendasyon ay bahagi nang pagsusumikap ng MMC, na binubuo ng mga alkalde mula sa Metro Manila, na makabangon nang muli ang ekonomiya sa rehiyon, sa gitna nang patuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Naniniwala ang mga alkalde na malaki ang maitutulong nito para mapaunlad muli ang ekonomiya kung mas maraming tao ang papayagang makalabas ng kanilang tahanan.

Sa kasalukuyan, pinagbabawalan pa ng Inter-agency Task Force (IATF) ang mga indibiduwal na nagkakaedad ng 20-taong gulang at pababa, gayundin ang mga senior citizen, na lumabas ng tahanan, dahil itinuturing sila bilang vulnerable sa kumplikasyon ng COVID-19 infection.

“Our recommendation is that people aged 18 to 65 can go out of their houses,” ayon kay Parañaque City mayor Edwin Olivarez, na siya ring chairman ng MMC, sa panayam sa teleradyo.

Aniya pa, nagkasundo sila sa MMC sa panukalang i-modify ang age groups para na rin makatulong sa pagpapalakas ng ekonomiya.  

vuukle comment

METRO MANILA COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with