^

Metro

2 presong Koreano nakapuga sa CIDG detention facility

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang presong Korean nationals ang nakapuga sa umano’y mala-pelikulang eksena sa detention facility ng Criminal Investigation Detection Group-Metro Manila District Field Unit (CIDG-MMDFU), na nasa loob ng Southern Police District Headquarters, sa Lawton Avenue, Taguig City, iniulat kahapon.

 Agad namang iniutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, P/ Major General Debold Sinas ang manhunt operation laban mga tumakas na sina Kwon Kyeok Soo, at Yeon Jun Lim, kaya’t agad na nadakip si Kwon habang si Yeon naman ay nananatiling at-large.

Sa inisyal na ulat, ang dalawa ay nakatakas dakong alas-11:45 ng gabi  noong Sabado.

 Una umanong nakiusap sa pulis na duty jailer si Yeon na gagamit siya ng comfort room sa labas ng detention cell kaya binuksan ang selda. Subalit sa pagkabukas pa lamang ng selda ay inipit na ni Yeon ang jailer at pinaghahampas ng ilang ulit sa ulo   ng maraming beses kung saan tumulong pa si Kwon.

Nagawa pa umanong ku­nin ng dalawa ang baril ng duty jailer at tinutukan ito ng baril at siya naman ang ipinadlock sa harapang pintuan. Tumalon mula    sa bintana ang dalawa tangay-tangay ang service firearm ng pulis.

Agad namang nakipag-ugnayan umano ang duty jailer sa District Mobile Force Batallion (DMFB) at Base Police personnel at agad nagsagawa ng lockdown sa kampo.

Lahat ng units ay tumulong sa paghahanap sa mga pugante at inalarma sa mga kalapit na police stations na inatasang magsagawa ng checkpoints.

Agad na naaresto muli si Kwon ng mga tauhan ng Base Police dakong alas -12:59 ng madaling araw kamakalawa.

Iniutos din ni Sinas na magsagawa ng imbestigasyon para matukoy kung dapat papanagutin ang jailer sa nasabing insidente.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with