^

Metro

Partial operations ipapatupad ng MRT-3

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Partial operations ipapatupad ng MRT-3
Ayon sa MRT-3, ang mga hakbang na ito ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon at maintenance na ginagawa ng kanilang maintenance service provider Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Sa halip na ipatupad ang suspension ng MRT-3 kapag weekend, magpapatupad na lamang ang kompanya ng partial operations ng kanilang train mula nga-yon (October 10) hanggang bukas (Oct.11).

Ang hakbang ay ga­gawin upang bigyang daan ang pagsasaayos sa  turnouts sa Taft Ave. Station.

Bunga nito, ayon sa MRT-3 management, patuloy na magkakaroon ng biyahe ang mga tren mula North Avenue Station hanggang Shaw Boulevard at vice versa.

Ang turnouts ay ga­mit upang ang mga train ay makakalipat sa isang  track  papunta sa isa pa.

Oras na makumpleto na ang turnout works  sa North Avenue Station turnback, isusunod naman ang  turnout works sa Taft Avenue Station mula ngayong October 10 hanggang 11, October 31 hanggang November 2, at November 14  hanggang 15.

Noong October 1, ang  MRT-3 ay nagtaas ng train running speed  na mula 30 kilometers per hour (kph) ay gina­wang 40 kilometers per hour. 

Target ng management ng MRT na maitaas pa ito sa 50 kph sa Nobyembre at 60 kph sa  December oras na matapos na ang turnout works.

Ayon sa MRT-3, ang mga hakbang na ito ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon at maintenance na ginagawa ng kanilang maintenance service provider Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.

 

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with