Parañaque nakamit ang 2020 ‘Most Business Friendly’ award
MANILA, Philippines — Muling kinilala ang Lungsod ng Parañaque bilang isa sa 2020 Most Business-Friendly Local Government Unit (LGU) sa Metro Manila sa ginanap na 46th Philippine Business Conference and Expo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).
Sa taong ito, ang tema ng PCCI ay nakatuon sa mga istratehikong hakbangin na ipinatupad ng LGU upang matugunan ang mga pangunahing hamon pati na rin ang patuloy na pagsisikap na mapanatili, itaguyod, at ibalik ang lokal na ekonomiya sa panahon ng pandemya ng Covid-19.
“We are motivated that the city is being consistently recognized for our business-friendly environment by no less than the PCCI, the biggest aggrupation of business organizations in the country,” ani Parañaque Mayor Edwin Olivarez.
Sa final judging noong Setyembre 29, binigyang-diin ni Olivarez na ang kanilang na-ging approach sa pagtugon sa socio-economic impact na dala ng pandemya habang tinitiyak ang pagpapatuloy ang operasyon ng mga lokal na negosyo.
Noong nakaraang taon, ang Parañaque ay kinilala rin bilang 2019 Most Business-Friendly LGU ng PCCI kaugnay sa Project Express Lane (ELO) 2 kung saan patuloy ang pag-digitize ng lungsod sa lahat ng mga system nito lalo na sa applications for business and work permits.
- Latest