^

Metro

Biyahe ng LRT-2, natigil dahil sa sunog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Biyahe ng LRT-2, natigil dahil sa sunog
Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesperson Atty. Hernando Cabrera, dakong alas-5:10 ng madaling araw nang tumama ang sunog sa uninterruptible power supply (UPS) ng LRT-2, na matatagpuan sa basement ng Santolan Station.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagsuspinde ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng kanilang train operations matapos na sumiklab ang isang sunog sa Santolan Station nito sa Pasig City, kahapon ng umaga.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesperson Atty. Hernando Cabrera, dakong alas-5:10 ng madaling araw nang tumama ang sunog sa uninterruptible power supply (UPS) ng LRT-2, na matatagpuan sa basement ng Santolan Station.

Nabatid na ang UPS ay isang mahalagang link o koneksiyon sa pa-gitan ng revenue line at control center ng LRT-2.

Ipinaliwanag ni Cabrera na sa sandaling hindi na nakikita ng control center ang operas-yon ng kanilang mga tren ay awtomatiko na nitong puputulin ang kanilang mga biyahe, bilang bahagi ng kanilang safety protocols, dahil maaari itong magresulta sa hindi magandang kaganapan.

Dagdag pa ni Cabrera, dalawang opsyon ang ti-nitingnan ng maintenance at engineering personnel ng LRTA upang maibalik ang operasyon ng rail line, at kabilang dito ang pag-power up sa dugtungan sa pagitan ng revenue line at control center sa pamamagitan ng generator set, o di kaya ay mag-secure ng panibagong power source.

Sinabi ni Cabrera na target nilang ma-power up ang link sa loob ng maghapon upang makapag-operate ng ligtas ang mga tren ng LRT-2 at mapagsilbihan pa ang kanilang mga pasahero pagsapit ng hapon.

Gayunman, habang isinusulat naman ang balitang ito ay wala pang anunsiyo o update na inilalabas ang LRT-2 kung kailan maibabalik ang kanilang operasyon.

vuukle comment

LRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with