^

Metro

La Niña, inaasahang magpapataas ng water level sa mga dam

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaasa ang pamunuan ng National Water Resources Board (NWRB) na magpapataas ng water level sa mga dam sa bansa ang dalang ulan ng La Niña phenomenon sa bansa.

Ayon kay  Dr.  Sevilla  David Jr.  ng NWRB, oras na magdala ng mga pag-ulan na dulot ng La Niña, babalik na sa normal ang water level sa mga dam lalo na sa Angat  na nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila.

Wala naman anyang nararanasang kakula-ngan ng suplay ng tubig sa MM sa ngayon pero dahil sa lumalaking populasyon at tumataas na demand sa tubig, maaaring kulangin ang suplay kung walang magaganap na mga pag-ulan sa watershed sa mga dam sa bansa.

Sinabi ni Sevilla na  sa ngayon ay may dalawang taon pa bago matapos ang mga infrastructure projects na maaaring pagkukunan ng tubig para sa  Metro Manila.

Sa ngayon anya ang ilang inaasahang  pagkukunan ng tubig bukod sa Angat dam ay ang tubig mula sa Project Laguna Lake,  Marikina River at Subang sa Quezon  para sa dalawang taon o short term at medium term  o 5 years naman sa  Kaliwa dam.

Ang mga proyektong ito anya ang mga madaragdag ng suplay ng tubig na kailangan sa lumalaking populasyon sa NCR  at karatig lalawigan.

Anya bago matapos ang taong 2020 ay dapat na nasa  212  meters ang  water level sa Angat dam para matugunan ang pangangailangan sa tubig  ng lumalaking populasyon sa Metro Manila, mga karatig lalawigan. Ang ibang dam naman ang magsusuplay ng tubig sa irigasyon.

vuukle comment

NWRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with