^

Metro

Pagsusuot ng helmet ng bicycle riders mandatory na sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagsusuot ng helmet ng bicycle riders mandatory na sa Quezon City
Workers ride their bicycles home in Manila on May 20, 2020.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Mandatory na ang pagsusuot ng helmet sa lahat ng bicycle riders sa loob ng Quezon City .

Layunin nito na mapangalagaan ang kaligtasan sa paglalakbay ng mga dumaraming bikers.

Ito ay makaraang aprubahan at lagdaan ni QC Mayor Joy ­Belmon­te ang Ordinance No. SP-2942 na nag-uutos ng pagsusuot ng helmet sa lahat ng bicycle riders sa lungsod.

“Ngayong bahagi na ng new normal ang pagbibisikleta, nais nating gawing mas ligtas ang aktibidad na ito para sa mga dumaraan sa ating lungsod. Makatutulong ang pagsusuot ng helmet upang ma­ging maayos ang ating pagbiyahe at para ligtas tayong makarating sa ating pupuntahan,” sabi ni Mayor Belmonte.

May kaukulang pe­nalty na igagawad sa mga lalabag sa natu­rang ordinansa.

Sa ilalim ng Ordinance 2942, pagmumultahin ng halagang P1,000 sa first offense ang  mga bicycle ri­ders na walang helmet habang naglalakbay sa QC, P3,000 sa second offense at P5,000 sa third offense.

Una nang nagsagawa ng Bike Lane Project si Belmonte, isang short-term initiative na layong bigyan ng mas ligtas na lugar ang mga taong gumagamit ng bisikleta bilang alternatibong sasakyan ngayong panahon ng pandemic.

vuukle comment

BICYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with