^

Metro

Binata tinodas sa harap ng kuya

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi pa nakikilalang lalaki ang isang 31-anyos na binata sa harap ng kanyang kapatid, kamakalawa sa Malabon City.

Dead-on-the-spot dahil sa  tama ng bala sa katawan ang biktimang si Jerico Camino, quality controller at residente Area 2 Mandaragat St. Brgy. NBBS, Navotas City.

Sa imbestigasyon, alas-8:13 ng gabi, magde-deliver sana ang biktima kasama ang kanyang kapatid na si John Rey ng Gummy product  sa isang kliyente at habang nakatayo sa Maya-Maya St. corner Pampano St. nang sumulpot mula sa likod ang mga suspek saka pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan si Jerico. Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.

vuukle comment

SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with