^

Metro

Negosyong lalabag sa quarantine protocols, binalaan ni Mayor Joy Belmonte

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Negosyong lalabag sa quarantine protocols, binalaan ni  Mayor Joy Belmonte
Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Joy Belmonte nang isara ng alas -3 ng hapon ang Guilly’s Island night club sa Tomas Morato at inaresto ang mahigit 100 katao na nahuling nagpa-party sa loob ng restobar.
The STAR/Miguel de Guzman

QUEZON CITY, Philippines — Binalaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte  ang mga establishment owners tulad ng mga may ari ng  restobars, night clubs at karaoke bars na kanya itong ipasasara oras na mapatunayang nag-ooperate sa gitna ng pagbabawal ng pamahalaaan sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Ang pahayag ay ginawa ni Belmonte nang isara ng alas -3 ng hapon ang Guilly’s Island night club sa Tomas Morato at inaresto ang mahigit  100 katao na nahuling nagpa-party sa loob ng  restobar.

“Binabalaan natin ang mga may-ari ng bar at nightclub na itigil na ang kanilang ilegal na ginagawa dahil mahuhuli at mahuhuli namin kayo, inilalagay ninyo sa panganib ang buhay ng inyong mga kostumer at iba pang mga residente dahil ang pag-inom sa publiko ay isa sa mga rason sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating lungsod,”  pahayag ni Belmonte.

Sa ilalim ng GCQ guidelines na naipalabas ni Belmonte noong Agosto, ang operasyon ng  restobars, night clubs, at iba pang  leisure at entertainment centers ay ipinagbabawal. Ang mga restobars ay maaari lamang buksan bilang isang  restaurants.

Binigyang diin ni  Belmonte na bagama’t naiintindihan niya na kailangang kumita ang ekonomiya ng QC, hindi naman dapat isasakripisyo ang kalusugan at kaligtasan ng publiko.

“Nais man nating simulan ang muling pagbuhay ng ekonomiya ng lungsod, hindi natin maaaring isantabi ang mga isyung pangkalusugan na maaaring makaapekto sa karamihan,” dagdag ni Belmonte.

Pinangunahan ni Department of Public Order and Safety (DPOS) chief Ret. Gen. Elmo San Diego, Task Force Disiplina head Rannie Ludovica, at  Business Permits and Licensing Department (BPLD) inspector Edgardo Bayabos  ang pagsisilbi ng  closure order sa Guilly’s Island night club dahil sa paglabag sa  GCQ guidelines.

Una nang sinalakay ng Kamuning Police Station ang naturang bar na sinasabing nagdaos ng party sa  Tomas Morato, Quezon City  kamakalawa ng gabi.

Ayon kay P/Lt. Col. Noli Abalos, hepe ng Kamuning Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon na marami ang nag-iinuman sa loob ng bar kahit umiiral na ang curfew.

Sa pagpapatrol ng mga pulis, napansin din nila na maraming mga nakaparadang sasakyan sa labas ng naturang bar at may ingay pa na naririnig sa loob.

Sa pagpasok ng mga pulis, dakong alas-10:30 ng gabi ay nakita na maraming tao sa loob ng bar at hindi na nasusunod ang physical distancing kaya’t tuluyan na itong sinalakay.

Dinala sa Barangay South Triangle covered court ang mga nahuli at isinailalim sa imbestigasyon at kalaunan ay  pinauwi rin matapos mabigyan ng citation tiket na nakasaad ang nagawa nilang paglabag sa batas.

Nahaharap na rin sa kaso ang management ng bar.

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with