2 pang ferry stations binuksan ng MMDA
MANILA, Philippines — Operational na ang Hulo Ferry Station sa Mandaluyong at Sta. Ana Ferry Station sa Maynila simula sa Lunes, Setyembre 28, 2020.
Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), mapagsisilbihan na rin ang mga mananakay sa dalawang ferry stations.
Sa kasalukuyan ay may nakabukas nang Pinagbuhatan at San Joaquin ferry station sa Pasig City; Guadalupe at Valenzuela ferry stations sa Makati City; Lawton at Escolta ferry stations sa Maynila.
Limitado para sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang serbisyo ng Pasig River Ferry Service ngayong umiiral pa rin ang General Community Quarantine sa (GCQ) sa Metro Manila.
Tuluy-tuloy ang pagbibigay ng libreng sakay mula Lunes hanggang Sabado, simula alas- 6:00 ng umaga hanggang alas -7:00 ng gabi.
Kailangang sundin lamang ang mga ipinatutupad na health at safety protocols laban sa COVID-19.
- Latest