^

Metro

COVID-19 mega complex facility, binuksan sa Taguig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binuksan na kaha-pon ang COVID-19 mega-complex facility kung saan matatagpuan ang bagong Molecular Laboratory, Lakeshore Mega quarantine facili­ty at ang Lakeshore National Testing Facility saTa-guig City.

Ginanap ang pagpa­pasinaya sa pangu-nguna ng pamahalaang lungsod nitong Biyernes kasabay ng pagho-host nito sa National Task Force Meeting.

Nitong Setyembre 13, 2020 nang nabigyan ng license to operate ng Department of Health (DOH) para sa pagpapatakbo ng nasabing molecular laboratory       ang Taguig LGU.

Makakatulong umano ang mga itinayong pasilidad upang madagdagan ang ginagawa ng national government sa testing, tracing at paggamot sa mga infected ng COVID-19.

Sa pamamagitan ng pagbubukas ng sariling molecular laboratory, mas mapapalakas nito ang testing capacity para sa COVID-19.

Ang laboratory na may manual at automa-ted testing machine ay target na makapagsa-gawa ng 100,000 RT-PCR tests sa pagtatapos ng taon na katumbas ng 10 porsyento ng kabuuang populasyon ng Taguig City.

Kahit noong wala pang sariling  laboratory, nakapagsagawa na ang Taguig ng 50,000 polymerase chain reaction (PCR) tests o 5 porsyen­to ng total population ng lungsod.

“This testing facili­ty will be a long-term benefit to the city to help us better manage the COVID-19 situation. Aside from that, the lab can also test pathogens affecting both humans and animals, allowing us to avert serious health issues in the future,” ani Mayor Lino Caye­tano.

Samantala, sa pagbubukas kahapon ng 500-bed COVID-19 Lakeshore Mega Qua-rantine Facility, ang Section1 lamang o 70 units ang maaari nang gamitin habang ang iba pa ay sa mga susunod na linggo inaasahang makumpleto o bago pa ang Pasko. 

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with