^

Metro

Delivery boy, kalaboso sa 1.7 kilo ng marijuana

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang delivery boy nang mahulihan ng may 1.7 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isang buy bust operation sa kanyang tahanan sa Brgy. Culiat, Quezon City.

Nakapiit na at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Benjamin Parcon, 22, residente ng   Adelfa St., Brgy. Culiat.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, BGen. Ronnie Montejo, dakong alas-9:30 ng gabi nang maaresto ang suspek sa isang joint buy-bust ope­ration na isinagawa ng mga tauhan ng Batasan Police Station (PS 6) at Talipapa Police Station (PS 3) sa kanyang tahanan.

Bago ang pag-aresto ay nakatanggap ng tip ang mga awtoridad na sangkot sa illegal na aktibidad ang suspek at nang makumpirma ang ulat ay kaagad na isinagawa ang buy-bust operation.

Kaagad namang dinakip ang suspek nang bentahan ng P9,500 na halaga ng marijuana ang isang undercover operative.

Bukod sa buy-bust money, nakumpiska rin mula sa suspek ang may 1.7 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa transpa-rent plastic at nagkakahalaga ng P210,000 at isang kulay asul na backpack.

 

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with