^

Metro

Opisyal ng NBI at utol na taga-BI kinasuhan sa ‘Pastillas Scheme’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Opisyal ng NBI at utol na taga-BI kinasuhan sa �Pastillas Scheme�
Patung-patong na kaso ang isinampa ng NBI laban sa magkapatid na sina Joshua Paul Capiral, opisyal sa ahensya at Christopher John Capiral ng Bureau of Immigration kaugnay sa pagkakasangkot sa extortion na may kinalaman sa ‘Pastillas Scheme.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sinampahan ng patung-patong na kasong kriminal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sarili nilang hepe ng Legal Assistance Section at sa kapatid nito na opisyal naman ng Bureau of Immigration (BI) kaugnay ng pagkakasangkot sa ‘Pastillas Scheme’.

Kabilang sa mga kasong isinampa ng NBI Special Action Unit ay ang extortion at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban sa abogadong si Joshua Capiral at kapatid nitong si Christopher John Capiral.

Bukod dito, kinasuhan din sila ng paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials dahil sa kapwa pagiging tauhan ng pamahalaan habang nilabag din nila ang Executive Order 608 na ukol sa ‘national security clearance’ para sa mga opisyal ng pamahalaan na may access sa mga klasipikadong impormasyon.

Inaresto ang magkapatid sa isang entrapment operation nitong Lunes makaraang mangikil umano ng P100,000 upang hindi makasama sa imbestigasyon ang ilang personalidad na sangkot sa ilegal na gawain.

Dinala ang magkapatid sa Department of Justice (DOJ) kahapon ng umaga para sa pagsasampa ng mga kaso sa kanila ngunit tumanggi sila na magbigay ng pahayag.

Ayon sa NBI, nagtaka sila nang sa 40 indibiduwal na may matibay na ebidensya na sangkot sa ‘Pastillas scheme’ ay tanging apat lamang ang inirekomenda nilang kasuhan. Kinalaunan, nasa 19 na indibiduwal ang sinampahan ng kaso.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kakasuhan din ang magkapatid na Capiral ng kasong administratibo habang nanawagan sa lahat ng tauhan ng NBI, kahit anong ranggo, na hindi niya kukunsintihin ang anumang uri ng korapsyon.

Inihayag rin ng kalihim na ipag-uutos niya ang mu­ling pagsasagawa ng bagong imbestigasyon sa ‘Pastillas Scheme’ makaraan na maging kaduda-duda na ang resulta nito dahil sa pagkakasangkot ni Capiral.

Ang ‘Pastillas Scheme’ay ang pagpapapasok ng mga tauhan ng Immigration sa mga dayuhan na walang dokumento upang magtrabaho sa mga iligal na POGO o kaya naman ay sa prostitusyon kapalit ng lagay o patong sa kanila.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

NBI

PASTILLAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with