^

Metro

Makati Municipal Cemetery, idedemolis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling nananawagan ang pamahalaang lungsod ng Makati sa mga may kaanak o kapamilya na nakalibing sa Makati Municipal Cemetery na makipag-ugnayan sa kanila para sa paglilipat sa mga labi ng mga ito upang bigyang-daan ang pagtatayo ng Makati Columbarium.

“Sa darating na Oktubre 8,2020 uumpisahan na ng lungsod ang demolisyon ng sementeryo at ang pagpapatayo ng Makati Columbarium upang matugunan ang pangangailangan ng mga taga-Makati para sa maayos at disenteng libingan ng mga pumanaw na mahal sa buhay,” bahagi ng mahalagang panawagan.

Makipag-ugnayan lamang sa Makati Health Department (MHD) sa 8870-1609 o 8870-1610 para sa mga detalye at proseso para maipalipat na ang mga labi na apektado ng proyekto.

Ang itatayong Columbarium ay pangangasiwaan ng lokal na pamahalaan at libre ang cremation at inurnment services para sa Makatizens anuman ang estado sa buhay.

Ayon kay Mayor Abby Binay, bukod sa magkakaroon ng karagdagang maayos at disenteng himlayan ay masosolusyunan pa ang kakulangan sa espasyo.

Tiniyak din ng alkalde sa mga residente na ang pasilidad ay dinisenyo bilang people-friendly at environment-friendly, at magtataguyod ng kaligtasan,  kaginhawaan at katatagan.

Batay sa site development plan mula sa city engineering department, unang itatayo ang dalawang gusali ng columbarium kung saan ilalagay ang chapel, viewing areas, cremation area, at 14,784 urn vaults.

Sakop ng pasilidad ang 4,000-square meter na lupain sa may Kalayaan Avenue na dating kinalalagyan ng lumang sementeryo.

vuukle comment

CEMETERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with