^

Metro

PNP nagbabala vs Facebook scam

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
PNP nagbabala vs Facebook scam
Ayon kay PNP Spokesperson, Col. Ysmael S. Yu, ang kanilang babala ay bunsod ng pagkakatukoy ng PNP Anti-Cybercrime Group sa isang indibiduwal na gumawa ng pekeng FB account gamit ang pangalang Camilo P. Cascolan, na pangalan ng mismo ng PNP Chief.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Phi­lippine National Police (PNP) ang publiko  laban sa Facebook scam ng mga taong nagpapanggap na mataas na opisyal ng PNP.

Ayon kay PNP Spokesperson, Col. Ysmael S. Yu, ang kanilang babala ay bunsod ng  pagkakatukoy ng PNP Anti-Cybercrime Group sa isang indibiduwal na gumawa ng pekeng FB account gamit ang pangalang Camilo P. Cascolan, na pangalan ng mismo ng PNP Chief.

Ginamit umano ng suspek ang ninakaw na personal data, gaya ng larawan ng PNP chief para lumikha ng pekeng profile sa FB at magpanggap bilang si Cascolan.

Naalerto si Cascolan sa aktibidad ng “poser”, matapos isumbong sa kanya ng isang kaibigan na ang pamangkin nitong pulis sa Nueva Ecija ay muntik nang magpadala ng P10,000 sa scammer sa pamamagitan ng wire transfer para ma-reassign sa magandang puwesto.

Ayon kay PNP-ACG Director PBgen. Dennis Agustin, nakapagsagawa na sila ng case build-up laban sa suspek at hinihintay na lang ang arrest warrant para damputin ito.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with