^

Metro

P1.4 milyong shabu nasabat sa drug-bust

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot  sa P1.4 mil­yong halaga ng shabu at marijuana ang nasabat sa dalawang hinihina­lang ‘tulak’ ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng Pasay City Police, kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Kinilala ang mga nadakip na sina Isabelo Balabat,  alyas Biloy, 32,  at si Ferdinand Conde, alyas Randy, 63, kap­wa nakatira sa Area H Chest Clinic Compound, Brgy. 186, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay City Police, alas-10:15 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang kanilang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa naturang compound makaraan ang sumbong ng ilegal na operasyon sa droga na nagaganap dito.

Isang pulis ang nagpanggap na buyer at matagumpay na nakabili ng shabu sa mga suspek.  Nang magbigay ng senyales, dito na pinasok ng mga operatiba ang loob ng compound at ipinatupad ang pag-aresto sa dalawang suspek.

Nakumpiska sa po­sesyon ng dalawa ang dalawang ‘knot-tied plastic bag at anim na maliit na plastic sachet na naglalaman ng nasa 217 gramo ng shabu na may halagang P1,475,600; 24 na plastic sachet na naglalaman ng hinihina­lang marijuana na may halagang P3,012; isang caliber 9mm na Armscor na baril na may magazine at laman na tatlong bala.  Narekober din ang isang P1,000 marked money na inihalo sa 34 pang boodle money na ipinambayad sa mga suspek. 

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with