^

Metro

64-anyos na nanay, hinalay ng adik na anak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
64-anyos na nanay, hinalay ng adik na anak
Sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa pagitan ng ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng mada­ling araw noong Linggo sa loob ng bahay ng mag-ina sa Brgy Calzada, Taguig.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dahil sa matinding epekto ng ilegal na droga nagawang gahasain ng isang 39-anyos na anak ang kanyang 64-anyos na ina, sa Taguig City, iniulat kahapon.

Sa ulat ng Taguig City Police Sub-Station 5, nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 8353 (Rape) ang suspek na itinago sa pangalang  Dick, ng Brgy.  Calzada, Tipas, Taguig City.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa pagitan ng ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng mada­ling araw noong Linggo sa loob ng bahay ng mag-ina sa Brgy Calzada, Taguig.

Pinasok umano ng suspek sa kuwarto ang natutulog na ina at doon hinalay.

Nang makakuha ng tiyempo ay mabilis na nagtungo sa bahay ng anak na babaeng may-asawa sa Pateros City  ang ginang at ikinuwento ang sinapit at saka inireport ito sa barangay.

Naaresto ang suspek nang puntahan sa bahay nina Barangay Security Force Dominador Cuison at BSF Nilo Granil at binitbit sa pulisya.

 Ayon sa pulisya, drug addict ang suspek na posibleng dahil sa matinding tama sa utak ng ilegal na droga ay nagawa sa sariling ina ang karumal-dumal na krimen.

Hawak na ng Women and Children Protection Desk ng Taguig City Police Station ang kaso.

 

vuukle comment

TAGUIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with