Miyembro ng Dawlah Islamiyah, arestado
MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang isang miyembro ng Dawlah Islamiyah sa Fairview Quezon City. Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief General Camilo Cascolan na alas-4:25 nang hapon nitong Sabado nahuli si Kevin Madrinan , alyas Ibrahim sa North Fairview, Quezon City. Konektado umano si Madrinan sa teroristang si Mundi Sawadjaan na Abu Sayyaf Group commander at responsable sa Jolo bombings. Si Madrinan ay isang Balik Islam at sinasabing may kinalaman din sa recruitment ng mga terorista.
Sa ngayon iniimbestigahan pa ng PNP kung may planong terroristic activity si Madrinan sa Metro Manila. Hinimok naman ng PNP ang muslim community na mag report sa pulis sakaling may ma-monitor na kahinahinalang personalidad sa kanilang lugar.
Pinakakalma rin ni Cascolan ang publiko dahil aktibo at tuluy-tuloy ang operasyon ng PNP laban sa terorismo.
- Latest