^

Metro

Vendors sa 17 palengke sa Maynila ipaprayoridad sa swab testing

Pilipino Star Ngayon
Vendors sa 17 palengke sa Maynila ipaprayoridad sa swab testing
Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na kailangang maisailalim sa swab testing ang mga vendors upang matiyak na ligtas mula sa COVID-19 ang mga namimili sa mga palengke.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nangako si Manila City Mayor Isko Moreno na unang isasailalim sa ‘swab testing’ ang mga vendors sa 17 pampublikong palengke sa pagbubukas ng ikalawang RT-PCR molecular laboratory sa Sta. Ana Hospital.

Sinabi ni Moreno na kailangang maisailalim sa swab testing ang mga vendors upang matiyak na ligtas mula sa COVID-19 ang mga namimili sa mga palengke.

“Sa ayaw at gusto natin pupuntahan talaga ang mga palengke kung bibili sila ng pagkain,” ayon sa alkalde.

“Bibigyan natin ng kapanatagan ang tao, ang manininda at higit sa lahat, ‘yung mga mamimili,” dagdag niya.

Sinabi pa ng alkalde na inatasan na niya sina Manila Health Department director Dr. Arnold Pangan, Sta. Ana Hospital director Dr. Grace Padilla, at Market Administrator Zenaida Mapoy na gawing prayoridad ang mga vendors sa isasagawang swab tests.

Isusunod naman ng MHD ang mga tsuper ng pedicab, tricycle, at jeepneys; pati ang mga matadero o meat but­chers. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with