^

Metro

Pasahero sa mga public transpo dinagdagan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pasahero sa mga public transpo dinagdagan
Sinabi ng DOTR na mula sa 1 meter physical distancing ay ginawa na lamang 0.75 meters partikular sa mga tren ng LRT-1, LRT-2, MRT-3 at PNR dahil naipaiiral naman ang health protocols sa loob ng passenger vehicles tulad ng pagsusuot ng face masks at face shields para maiwasan na mahawa ng COVID-19 virus.
AFP/Ted Aljibe

Social Distancing niluwagan ng DOTr

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Trans­portation (DOTr) na ba­hagya nang magluluwag sa ipinatutupad na social distancing sa mga pampublikong sasasakyan simula sa Lunes, Setyembre 14.

Nangangahulugan ito na madaragdagan na ang mga pasahero sa mga PUVs.

Ito’y matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang proposal na ito ng  Economic Development Cluster (EDC) at DOTr hinggil sa pag­babawas sa layo ng pasahero ng mga  commuters.  

Base sa panukala, hindi na isang metro ang layo ng mga pasahero sa mga public trains.

Sinabi ng DOTR na  mula sa 1 meter physical distancing  ay ginawa na lamang 0.75 meters partikular sa mga tren ng LRT-1, LRT-2, MRT-3 at PNR dahil naipaiiral naman ang health protocols sa loob ng passenger vehicles tulad ng pagsusuot ng  face masks at face shields para maiwasan na mahawa ng COVID-19 virus.

Makaraan nito ayon sa DOTr, maaaring gawing 0.5 meters  hanggang sa maging  0.3 meters na lamang ang layo ng mga pasahero.

Malaking tulong umano bilang protek­syon ang pagsusuot ng face masks at face shields para hindi ma-infect ng virus.

Para sa mga mo-dern public utility vehicles at public utility buses, pwede na ang mga nakatayong pasahero.

Ayon naman kay IATF-EID chief Se­cre­­t­ary Galvez ang aksyon ay ginawa para maraming mga manggagawa at empleyado ang matulungang mag­tungo sa kanilang tanggapan sa kabila ng mahigpit na qua-rantine measures na ipinatutupad ng pamahalaan.

“With public transportation, there is faster recovery of lives and livelihoods as we push forward under the new normal,” dagdag pa nito.

vuukle comment

DOTR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with