^

Metro

93 preso sa Bilibid lalaya na rin

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
93 preso sa Bilibid lalaya na rin
Pinabaunan ng Bureau of Corrections ang mga nakalayang PDL ng grooming at hygiene kit, gayundin ang sapat na pera upang sila ay makauwi sa kanilang mga lugar. Ang iba rito ay ihahatid mismo ng BuCor upang makasiguro na sila ay ligtas.
STAR/Ernie Peñaredondo, file

MANILA, Philippines — Bukod kay US Marine Corporal  Joseph Scott Pemberton, 93 pang preso ang pinalalaya na rin sa na-ging kautusan kahapon na inilabas ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sa 93, 86 dito ay binigyan ng parole, 6 ang acquittal at isa  ay may  expiration of sentence na.

Nasa 27 dito ay mula sa maximum security compound, 43  ay galing sa medium security compound, 19 ang mula naman sa minimum security compound at may 4 ang mula sa BuCor Extension Facility-PMA.

Pinabaunan ng Bureau of Corrections ang mga nakalayang PDL ng grooming at hygiene kit, gayundin ang sapat na pera upang sila ay makauwi sa kanilang mga lugar. Ang iba rito ay ihahatid mismo ng BuCor upang makasiguro na sila ay ligtas.

Ilan naman ang nakikipag-ugnayan pa kung mayroon silang kaanak o pamilyang uuwian at ang iba ay gustong manatili na lang umano sa NBP habang wala pang alam na matutuluyan.

Ito ang kauna-unahang Culminating Program na isinagawa para sa kanilang paglaya na may temang “Pagbalik, Pagbabago at Pagtanggap sa Malayang Lipunan”.

Nakapaloob dito na ang BuCor ay kaagapay sa pagsalubong sa kanila sa bagong buhay at bagong pag-asa na kanilang kakaharapin.

Ang pagpapalaya ay inaprubahan ni Director General Gerald Q Bantag.

vuukle comment

BUCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with