P13 milyong shabu nasabat ng PDEA
MANILA, Philippines — Umaabot sa P13 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Makati City.
Ayon kay PDEA Dir. Gen Wilkins Villanueva nadakip din sa operasyon ang suspek na si Asrainie Bilao.
Dakong alas-5:30 ng hapon ng isagawa ang buy-bust ng pinagsanib na elemento ng PDEA NCR, PDEA 4-A at AFP-ISAFP sa may Chino Rocess St., Arnaiz Ave, Pio Del Pilar, Makati City.
Si Bilao ay inaresto ng mga awtoridad matapos na maiabot ang droga sa isang agent na nagpanggap na buyer.
Narekober ng mga operatiba sa suspek ang 2 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13 milyon. — Ludy Bermudo
- Latest