^

Metro

Pekeng BIR enforcer, tiklo sa kotong

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 68-anyos na lalaki makaraang ireklamo ng isang negosyante ng pangongotong matapos siyang magpanggap na enforcer ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kamakalawa ng hapon sa Binondo, Maynila.

Kinilala ang nadakip na si Vicente Alberto, alyas Vic, ng Gracepark, Caloocan City.

Sa ulat ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team, unang nagsampa ng reklamo sa kanila si Adonis Tan, 57, may-ari ng PENCO Incorporated sa Binondo, ukol sa pangongotong sa kanila ng suspek.

Isinalaysay ni Tan na nagtungo sa kanilang kompanya si Alberto na nagpakilalang Revenue Enforcement Officer III ng BIR at inakusahan sila na hindi nagbabayad ng tamang buwis. Nanghingi umano ang suspek ng P25,000 para maisyuhan ang kanilang kumpanya ng BIR Clearance Certificate.

Agad na nagtungo ang mga pulis sa kompanya ni Tan kung saan inabutan si Alberto na nagpakita ng BIR ID sa at mga “mission order/BIR Clearances” na umano’y mga peke. Nang tawagan ng mga pulis ang BIR, dito nadiskubre na hindi siya empleyado ng ahensya dahilan para arestuhin ang suspect.

vuukle comment

BIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with