^

Metro

3 bagong bus stops, binuksan sa EDSA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 bagong bus stops, binuksan sa EDSA
Ayon sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr), kabilang sa binuksan na bus stops sa EDSA ay ang North Avenue, Quezon Avenue, at Nepa Q-Mart.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Binuksan kahapon sa kahabaan ng EDSA ang tatlo pang karagdagang bus stop.

Ayon sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr), kabilang sa binuksan na bus stops sa EDSA ay ang North Avenue, Quezon Avenue, at Nepa Q-Mart.

Sinabi ng DOTr, karagdagan ito sa apat na naunang binuksang bus stops na kinabibilangan ng sa Guadalupe, Ortigas, Santolan, Main Avenue.

“Ang mga ito ay binuksan upang makapagbigay ng mas maginhawa at epektibong serbisyo sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga istasyon kung saan papayagang sumakay at bumaba ang mga pasahero ng mga bus na bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA Busway,” anang DOTr.

Nabatid na target ng DOTr na magkaroon ng 29 na bus stops sa EDSA Busway.

Sa ngayon umano ay 15 dito ay kumpleto na at unti-unti na lamang bubuksan kapag nakumpleto na ang kinakailangang imprastraktura at kagamitan upang masiguro na ito ay magiging ligtas sa mga pasahero.

Nabatid na ang EDSA Busway ay isang dedicated lane sa gitnang bahagi ng EDSA.

Tanging mga bus lamang ang maaaring gumamit nito, kaya’t mas mabilis, iwas-trapik, maaasahan at predictable ang oras ng dating at alis ng mga bus.

Anang DOTr,  mula sa dating dalawa o tatlong oras na biyahe galing Monumento papuntang PITX, ngayon, 45 minuto hanggang isang oras na lamang ito.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with