^

Metro

Liquor ban sa San Juan, inalis na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Liquor ban sa San Juan, inalis na
Pinaalalahanan din niya ang mga residente na maaari lamang silang uminom ng nakalalasing na inumin sa loob ng ka­nilang tahanan ngunit dapat na may mahigpit pa ring pagsunod sa phy-sical distancing protocol.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pag-aalis na sa liquor ban sa lungsod.

Pero nilinaw ng Alkalde na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pag-iinuman sa mga pampublikong lugar, gayundin ang mga social gatherings sa lungsod.

Pinaalalahanan din niya ang mga residente na maaari lamang silang uminom ng nakalalasing na inumin sa loob ng ka­nilang tahanan ngunit dapat na may mahigpit pa ring pagsunod sa phy-sical distancing protocol.

“Lifted na po ang liquor ban sa San Juan ngunit ang mga lugar na puwede uminom ay sa loob ng inyong mga tahanan at sa mga restaurants lamang. Bawal po sa mga kalye at pam­publikong lugar,” paha­yag pa niya.

Inihayag din ni Ma-yor Zamora na simula nitong Setyembre 2 ay ibinalik na ang ipinatutupad na city-wide curfew hours sa lungsod ng mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw.

Pinapayagan na rin namang mag-operate ang mga review centers, gyms, fitness centers, sports facilities, at drive-in cinemas sa ilalim ng general community qua-rantine (GCQ) ngunit li-mitado lamang sa 30% ng kanilang employees’ capa­city ang pinapayagang pumasok.

vuukle comment

FRANCIS ZAMORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with