Rolbak sa diesel, kerosene; dagdag presyo sa gasolina
August 31, 2020 | 12:00am
MANILA, Philippines — Namumuro ang bawas sa presyo ng diesel at kerosene habang muling inaasahan ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina sa pagpasok ng Setyembre.
May bawas presyo na P0.05 hanggang P0.10 ang kada litro ng diesel at kerosene.
Samantala, may P0.05 hanggang P0.15 na dagdag-presyong inaasahan sa gasolina.
May posibilidad na tumaas ang presyo ng LPG sa Setyembre 1 na maglalaro sa P0.50 hanggang P1 kada kilo.
Pero sa Lunes, Agosto 31, pa malalaman ang final contract price nito sa international market.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Latest
Recommended