^

Metro

2 ex-police tiklo sa tangkang pagkidnap sa Chinese

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 ex-police tiklo sa tangkang pagkidnap sa Chinese
Ang naarestong mga dating tauhan ng PNP na sangkot sa tangkang pagdukot sa isang Chinese sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Dalawang dating miyembro ng PNP ang inaresto ng Pasay City Police sa tangkang pagdukot sa isang Chinese national sa bahagi ng Edsa sa Pasay City, ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Eduardo Cayabyab, 48, retiradong PNP member na huling naitalaga sa Tawi-tawi Police Provincial Office (PPO), at ang nadismis naman na si Edward Gacutan, 32, na dating na-assign sa Bataan PPO, Region 3.

Samantala, nasagip naman ang biktimang si Jin Hua Huana, 30 , Chinese national na pansamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa FB Harrison corner Edsa Pasay City at residente ng Unit P, Tropicana Village, Tambo, Parañaque City.

Sa ulat ni P/Major Jerry Sunga ng Pasay City Police Station, naganap ang insidente dakong alas -6:45 ng gabi noong Biyernes sa FB Harrison Extension, Pasay City.

Sa imbestigasyon, papasakay ang biktima sa JA taxi na minamaneho ng isang Ronald Carribo nang lapitan ni Cayabyab na nakasuot ng PNP uniform at armado ng baril at sinita sa hindi pagsusuot ng face shield.

Nagpapaliwanag pa lang ang dayuhan nang itulak na siya ni Cayabyab papasok sa taxi at inutusan ang driver na patakbuhin ang taxi at dinaanan ang kasamahang si Gacutan na nakaabang habang nakasuot lang ng civilian clothes.

Sumakay si Gacutan na nagpakilalang pulis din at sinandwich o pinagitnaan ang biktima subalit nakakita ng pagkakataon ang huli na tumakas nang pukpukin ang ulo ni Gacutan at makalabas ng bago pa maisara ang pintuan ng taxi.

Nagtatakbo ang biktima habang ang bitbit na knapsack ay nahablot ng mga suspek kaya naiwan sa taxi, nakahingi ng tulong sa front desk personnel ng hotel ang biktima na tumawag sa pulisya.

Nabatid na sinundan ng mga suspek ang biktima sa hotel kung saan sila inabutan ng mga rumespondeng tauhan ng Mobile Police at Intelligence Section operatives. Nagkataong naroon din sa erya ang mga tauhan ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na nagsasagawa ng monitoring sa Edsa.

Nabatid na binabantayan umano ng IMEG ang EDSA dahil sa serye ng robbery holdup ng mga nagpapanggap na mga pulis at nambibiktima ng mga foreigner.

Patung-patong ang kinakaharap ng mga suspect.

vuukle comment

KIDNAP

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with