^

Metro

“No face shield, no ride” mahigpit na ipatutupad ng MRT

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�No face shield, no ride� mahigpit na ipatutupad ng MRT
Pawang nakasuot ng face shields ang mga tricycle drivers, kanilang mga ­pasahero at ang empleyado alinsunod sa patakarang ipinatutupad dahil sa COVID pandemic.
Kuha nin Boy Santos at Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inihayag ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na hindi nila isasakay ang isang pasahero na walang suot na face shield, sa sandaling magbalik-operasyon na sila.

Sinabi ng MRT-3, ito’y bilang pagtalima sa Memorandum Circular 2020-014 na inilabas ng Department of Transportation (DOTr) noong  Agosto 3, na nagmamandato sa pagsusuot ng face shield, bukod pa sa face mask, sa mga pasaherong sasakay ng mga pampublikong transportasyon, kasama na rito ang mga rail lines.

Layunin ng hakbang na ito na ma­dagdagan ang proteksyon ng mga commuters laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at mabawasan ang tiyansa na mahawa sa virus.

Ayon sa MRT-3, mananatili pa ring limitado ang bilang ng mga pasaherong maaari nilang isakay sa kanilang mga tren at mahigpit pa ring ipatutupad ang one-meter social distancing sa loob ng istasyon at mga tren.

Gayundin, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagsasalita at paggamit ng mobile phones habang nasa loob ng mga tren.

Matatandaang muling nasuspinde ang mga biyahe ng mga public transportation sa Metro Manila, simula noong Agosto 4, matapos na magdeklarang muli ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa rehiyon, dahil sa patuloy na pagdami ng naitatalang mga kaso ng virus.

Epektibo ang MECQ hanggang ngayong araw, Agosto 18, at sa sandaling ibalik na ang pag-iral ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila, ay inaasahang magbabalik na ring muli ang biyahe ng mga pampublikong transportasyon, kabilang ang MRT-3.

 

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with