^

Metro

‘Tsismosa’ bilang contact tracers dapat may malasakit – Gatchalian

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bagama’t magagamit na ng mga ‘tsismosa“ ilang contract tracers ang kanilang abilidad sa pagpapakalat ng balita sa Valenzuela City,  dapat pa rin itong samahan ng malasakit at simpatiya.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, mahalaga ring may pagkalinga ang bawat ‘tsismosang’ contract tracers upang makuha ang tamang impormasyon ng mga positibo sa coronavirus.

Ang pahayag ni Gatchalian ay kasabay ng kanyang pakikipagpulong sa mga bagong contact tracers at encoders na sumailalim sa contact tracing and surveillance training.

Pinaiigting ng lungsod ang contact tracing at pinalaki ang City Epidemiology and Surveillance Unit sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas maraming contact tracers at encoders para maserbisyuhan ang mga ulat na may kinalaman sa CoViD-19 sa lahat ng araw ng linggo 24-oras.

Magugunitang ang lungsod ng Caloocan ang naunang nagpatotoo na hindi sapat ang pagiging “tsismosa” para maging contact tracer nang isailalim sa apat na araw na pagsasanay sa contact tracing ang mga 400 taong kinabibilangan ng psychologists at iba pa.

Gaya sa Valenzuela, tinuruan ang mga bagong contact tracers sa Caloocan kung paano ang tamang pakikipag-usap o pakikipanayam sa mga residente ng lungsod na nagpositibo sa CoViD-19.

Kasama rin sa mga sumailalim sa naturang pagsasanay ang mga encoders at boluntaryo mula sa iba’t ibang departamento; mga dentista at nars na nakatalaga sa health centers; at Barangay Health Emergency Response Team.

Ang pangunahing gawain ng mga contact tracers ay hanapin ang mga close encounters ng CoViD-19 patient at tuntunin ang kanilang aktibidad mula nang makaramdam ng sintomas o sumailalim sa swab testing.

vuukle comment

REX GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with