^

Metro

Bangkay ni Echanis, ibinigay na sa pamilya

Doris Franche, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bangkay ni Echanis, ibinigay na sa pamilya
Ayon sa ulat, ni-release na ng Pink Petals Memorial Homes sa Quezon City ang katawan ni Echanis dakong alas-8 ng gabi matapos itawag ng pamunuan ng Quezon City Police District sa punerarya na nagpositibo ang cross-match sa bangkay ng biktima kaya pinayagang ibalik at kunin na ng kanyang pamilya.
Anakpawis/release

MANILA, Philippines — Ibinigay na ang bangkay ni Anakpawis chairperson Randy Echanis sa kanyang pamilya kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat, ni-release na ng Pink Petals Memorial Homes sa Quezon City ang katawan ni Echanis dakong alas-8 ng gabi matapos itawag ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) sa punerarya na nagpositibo ang cross-match sa bangkay ng biktima kaya pinayagang ibalik at kunin na ng kanyang pamilya.

Sinabi ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, noong una pa lang ay wala ng duda na si Echanis nga ang napatay na pinaslang ng limang hindi pa nakikilalang salarin na pumasok sa kanyang tinitirhang apartment sa Quezon City.

Dinala ang bangkay ni Echanis sa Philippine Gene­ral Hospital (PGH) para sa kaukulang awtopsiya.

Una dito ay iginiit ng QCPD at pamunuan ng Phi-lippine National Police (PNP) na hindi nila ma-release nang basta-basta ang bangkay dahil kailangan magpakita ang pamilya nito ng mga kaukulang dokumento na magpapatunay sa pagkaka-kilanlan ni Echanis.

May nakuha kasing ID sa crime scene kung saan Manuel Santiago ang nakalagay na pangalan nito.

Sinabi ng QCPD, maaari raw kasing may ibang pamil­ya na mag-claim sa bangkay ni “Manuel Santiago.”

Tiniyak din ng QCPD na hindi sila titigil hanggat hindi natutukoy at nadarakip ang mga sangkot sa krimen.

Tiniyak naman ng PNP na walang paglabag at tama lamang ang paghawak ng QCPD sa kaso ni  Echanis.

Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen.Bernard Banac na wala silang nakikitang nilabag ng QCPD sa pagkilala o pag-identify sa bangkay ni Echanis na  natagpuan sa Novaliches, Quezon City.

Sinabi ni Banac, lagi ni­lang binibigyan ng presumption of regularity ang mga investigating body at hinahayaang gawin ang kanilang trabaho.

vuukle comment

ANAKPAWIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with