^

Metro

2 Chinese na kidnaper timbog, 2 biktima nasagip

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 Chinese na kidnaper timbog, 2 biktima nasagip
Nakilala ang mga suspek na sina Weng Zhiting at Cheng Guo, habang nasa ligtas nang kalagayan ang biktimang sina Jiang Xiao Hao at Li Weizu.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dalawang Chinese National ang inaresto ng mga tauhan ng PNP Anti Kidnapping Group habang ligtas na nasagip ang 2 nilang kababayan na kanilang kinidnap na kinidnap sa isinagawang operation sa Las Piñas City.

Nakilala ang  mga suspek na sina Weng Zhiting at Cheng Guo, habang nasa ligtas nang kalagayan ang biktimang sina Jiang Xiao Hao at Li Weizu.

Ayon kay BGen. Jonnel Estomo, Dir PNP-AKG, alas-11:00 ng umaga ng isinagawa ang operation ng mga elemento ng PNP AKG Luzon Field Unit sa pamumuno ni Col Villaflor Bannawagan sa Block 5 Lot 11, Louis Vail, Aurelia St, BF Resort Village, Las Piñas City.

Ang operasyon ay isinagawa matapos na humingi ng tulong ang misis ni Jiang Xiao Hao na si Yang Lingyu,  na dinukot   noong Aug. 7, 2020 sa Regency Salcedo, Bel-air, Makati City ng mga armadong grupo na humihingi ng 500,000 RMB kapalit ng pagpapalaya dito.

Sa pagpapatuloy ng negosasyon, tumanggi naman ang pamilya ng biktima na magbigay ng nasabing halaga kaya’t pinagbubugbog ng mga suspek ang biktima.

Nang muling tumawag ang mga suspek ay nagpasiya ang pamilya ng biktima na magbigay ng halaga 80,000 RMB sa pamamagitan ng account  ng mga suspek.

Modus ng mga suspek na mag alok ng mataas na  palitan ng Foreign currency sa peso pamamagitan ng Online gamit ang TELEGRAM APPS at ALIPAY ACCOUNT na mas madali at mabilis kumpara sa mga bangko. Upang makuha ang tiwala ng bibiktimahin ay bibigyan ito ng mataas na rate sa unang transakyon ngunit sa ikalawang transaksyon ng biktima ay kanila na ito kikidnapin at ipapatubos ng malaking halaga.

vuukle comment

TIMBOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with