^

Metro

PNP contact tracers binuo vs COVID-19

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
PNP contact tracers binuo vs COVID-19
Sa kanyang direktiba, makipag-ugnayan ang PNP kay Tracing Czar Baguio City Mayor Benjie Magalong para sa mas pinalakas at epektibong contact tracing.
BoySantos

MANILA, Philippines — Inatasan ni PNP chief, Gen.  Archie  Gamboa, si PNP Deputy Chief for Administration at Admi­nistrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander, Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan ang Criminal Invesigation and Detection Group (CIDG) na bumuo ng team para sa contact tracing.

Sa kanyang direktiba, makipag-ugnayan ang PNP kay Tracing Czar Baguio City Mayor Benjie Magalong para sa mas pinalakas at epektibong contact tracing.

Aniya, malaking tulong sa panig ng PNP ang koordinasyon upang mahanap ang nakahalubilo ng mga nagpositibo sa COVID-19 at mapigilan ang paglawak ng kaso.

Upang matiyak ang kahandaan ng pulisya sa pag-alalay sa contact tracers, agad ding pinabuo ni Cascolan ang isang team habang isinasagawa ang training.

Ipinaliwanag naman ni Cascolan na ang bubuuing team ay siyang direktang aalalay sa local government unit para sa contact tracing.

Magugunitang noong Lunes ng gabi, sa paha­yag ng Pangulo, ang mga pulis ang maghahatid sa mga contact tracer sa mga lugar habang ang barangay captain naman ang magtuturo sa mga tahanan para sa contacts o posibleng nakasama ng pasyente.

vuukle comment

CONTACT TRACER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with