^

Metro

Consultant ng NDFP, 1 pa pinatay sa loob ng bahay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Consultant ng NDFP, 1 pa pinatay sa loob ng bahay
Batay sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District -Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD-CIDU), kinilala ang mga nasawi na sina Randall ‘Randy’ Echanis, 72, NDFP consul­tant, kasapi ng NDFP committee on socio-economic reforms at kilalang lider ng mga aktibistang magsasaka at si Louie Tagapia, 48, na isa rin umanong militante.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng limang hindi nakikilalang mga lalaki ang isang peace consul­tant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at isa pang militante  sa loob ng kanilang inuupahang tahanan sa Novaliches, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Batay sa inisyal na ulat ng  Quezon City Police District -Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD-CIDU), kinilala ang mga nasawi na sina Randall ‘Randy’ Echanis, 72, NDFP consul­tant, kasapi ng NDFP committee on socio-economic reforms at kilalang lider ng mga aktibistang magsasaka at si Louie Tagapia, 48, na isa rin umanong militante.

Inakala pa sa unang imbestigasyon na si Echanis ay isang Manuel Santiago  dahil sa nakuhang isang identification (ID) card mula sa kanya ngunit malaunan ay nakumpirma rin ang identity nito.

Batay sa ulat na natagpuang patay si Echanis sa tinutuluyang Unit K ng apartment na matatagpuan sa Petronian St., Brgy. Nova Proper, Novaliches habang si Tagapia naman ay nadiskubreng patay sa katabing Unit J ng apartment.

Sa pahayag ng testigong hindi na pinangalanan, nasa kahimbingan siya ng tulog nang magising dakong ala-1:35 ng madaling araw dahil sa komosyong nagaganap sa ikalawang palapag ng apartment.

Nang sumilip umano siya sa bintana ay nakita ang limang lalaki na nagmamadaling lumabas ng bahay at tumakas.

Dahil dito, tinawag ng testigo ang kanyang ama upang puntahan ang pinagmulan ng ingay at dito na tumambad sa kanila ang wala nang buhay na si Tagapia na nakahandusay sa sahig at nakatali ng nylon cord ang mga kamay sa likuran. Sumunod na natagpuan ng mag-ama ang katawan ni Echanis na  duguan ding nakahandusay  sa folding bed kaya’t kaagad na nilang ipinagbigay-alam ang pangyayari sa may-ari ng apartment na si Fatima Pascual, na siya namang nanghingi ng tulong sa barangay at pulisya.

Ayon naman sa mga imbestigador, hindi pagnanakaw ang motibo ng pagpatay dahil hindi naman kinuha ang mahahalagang gamit ng mga biktima tulad ng laptop.

Patuloy pa rin anila ang isinasagawa nilang imbestigasyon sa krimen at inaalam kung may CCTV sa lugar upang makatulong sa paglutas sa kaso.

Ayon kay Anakpawis re­presentative Ariel Casilao, nagpapagaling si Echanis mula sa karamdaman nang pasukin ng mga suspek at isagawa ang pagpatay.

Si Echanis ay siyang chairman ng Anakpawis at deputy secretary general ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. —Joy Cantos

 

vuukle comment

NDFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with