^

Metro

IBP nagbabala sa nagkalat na pekeng abogado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa nagkalat na mga nagpapanggap na pekeng abogado na layong makapanloko at tumangay ng pera sa kanilang mga mabibiktima.

Ito ay makaraan na dalawang indibiduwal na nagpanggap na mga abogado ang nadakip kamakailan ng pulisya at mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila at Quezon City.

Ayon kay IBP president Domingo Egon Cayosa, nadakip sa Tondo ang isang Joselito Nzame Alegre, na nagpapakilalang si IBP Manila 3 Chapter vice-president Francisco James Brillantes habang sa Quezon City naman nadakip si Cherry Barabad na nagpapanggap na isang notaryo publiko gamit ang pangalang Salvador Viste Jr.

“Aside from damaging the individual lawyer impersonated and the legal profession, fake lawyers prejudice the public interest as they compromise and subvert the legitimacy of legal processes and the documents that they deal with,” ayon kay Cayosa.

Hinikayat ng IBP ang publiko na isumbong sa kanila ang mga kilalang nagpapanggap na abogado at bibigyan sila ng tulong at suporta maging mga insentibo upang malansag ang mga impostor.

vuukle comment

IBP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with