^

Metro

Centralized na basurahan para sa face mask, face shield iminungkahi

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Centralized na basurahan para sa face mask, face shield iminungkahi
Ayon kay Hernandez, hindi lamang pagpapatupad ng qua­rantine protocols ang panlaban sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) kundi ang tamang pagtatapon ng basura lalo na ang mga ginamit na face mask at face shield.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Caloocan City Councilor Vince Hernandez ang paglalagay ng “centra­lized” na basurahan sa bawat barangay para sa gamit nang face mask at face shields.

Ayon kay Hernandez, hindi lamang pagpapatupad ng qua­rantine protocols ang panlaban sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) kundi ang tamang pagtatapon ng basura lalo na ang mga ginamit na face mask at face shield.

Ani Hernandez, ang lahat ng barangay nga­yon ay dapat magkaroon ng “designated common trash bins” o sentralisadong basurahan na laan lamang sa mga gamit nang face masks, face shields at iba pang personal protective equipment (PPEs).

“Kailangan magsi­guro tayo na contained natin ang mga mater­yales na ito sa isang lalagyan o lugar dahil baka may virus pa ang mga ‘to kasi ‘di ba ang gamit ng face mask at face shield ay sanggahin ang virus para hindi pumasok sa ilong o bibig ng tao o dumikit sa mukha para hindi tamaan ng COVID-19,” ani Hernandez.

Nauna nang nanawagan si Caloocan City Mayor Oca Malapitan hinggil sa tamang pagtatapon ng basura. Aniya, dapat ay sinusunod ng mamamayan ang tamang “segregation scheme” sa lahat ng kabahayan at barangay.

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with