^

Metro

Business operations ng Meralco, tuloy kahit may MECQ

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Business operations ng Meralco, tuloy kahit may MECQ
Ayon sa Meralco, kabilang sa mga aktibidad na kanilang ipagpapatuloy kahit may MECQ ay ang meter reading o pagbabasa ng metro ng konsumo sa kuryente ng kanilang mga kostumer.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Manila Electric Co. (Meralco) na tuloy pa rin ang kanilang business operations kahit pa umiiral ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, at mga lalawigan ng Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.

Ayon sa Meralco, kabilang sa mga aktibidad na kanilang ipagpapatuloy kahit may MECQ ay ang meter reading o pagbabasa ng metro ng konsumo sa kuryente ng kanilang mga kostumer.

Bukas din naman ang mga business centers ng naturang power distributor upang tumanggap ng bayad at iba pang concern ng kanilang mga kostumer.

Ginagarantiyahan din naman ng kompanya ang istriktong pagpapatupad nila ng mga protocols na ipinaiiral ng Inter Agency Task Force (IATF) upang masigurong mababantayan ang kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga kostumer at mga empleyado.

Umaapela rin ang Meralco sa mga local government units (LGUs) at barangay officials na kilalanin ang kanilang mga meter readers na kabilang sa mga essential workers na pinagkalooban ng permisong magtrabaho kahit pa umiiral ang MECQ, at payagan silang makapasok sa kanilang mga hurisdiksiyon para makapagbasa ng metro ng mga residente.

Layunin anila nitong matiyak na ang aktuwal na konsumo ng kuryente ng mga residente ang siyang mailalagay nila sa bills ng mga ito.

“Rest assured, this will be unobtrusive and the deployed meter readers will be in complete personal protective equipment, bearing in mind safety procedures,” pagtiyak pa ng Meralco.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with