^

Metro

Libreng flu at pneumonia vaccines sa Makatizens

Pilipino Star Ngayon
Libreng flu at pneumonia vaccines sa Makatizens
Magugunitang ini-rerekomenda ng DOH ang flu at pneumonia vaccines para mapigilan ang kumplikasyon sanhi ng COVID-19.
AFP/Johannes Eisele, file

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Makati Mayor Abby Binay ang pagsasaga-wa ng large-scale flu at pneumonia vaccination drive para sa lahat ng residente ng Makati.

“Nais naming bigyan ng extra pang proteksyon ang mga Makatizens sa pamamagitan ng libreng flu at pneumonia vaccines, lalo na sa mga vulnerable sectors, na magpapalakas sa kanilang resistensya para malabanan ang COVID-19 infection,” pahayag pa ni Mayor Abby.

Idinagdag pa ng alkalde na sa kauna-unahang pagkakataon, maaaring mag-sign up online ang mga residente para sa libreng bakuna.

“This will make the registration process more efficient for Makati healthcare service workers and keep person-to-person contact at a minimum,” dagdag pa nito.

Ipinaliwanag nito na maaaring magamit ng mga residente  na may Yellow o Blue Cards ang kanilang smartphones o computers at tunguhin ang #ProudMakatizen website (proudmakatizen.com), piliin ang  “Vaccination Registration”, at kumpletuhin  ang  easy to follow regis­tration process. At kapag nakumpleto na ang proseso matatanggap ng isang residente ang mensahe at kung kailan siya naka-schedule para sa bakuna.

“This is another first from Makati City,”  ayon sa alkalde na tumutukoy sa online registration sa bakuna.

Magugunitang ini-rerekomenda ng DOH ang flu at pneumonia vaccines para mapigilan ang kumplikasyon sanhi ng COVID-19.

Nauna nang napagkalooban ng pamahalaang lungsod ng libreng flu at pneumonia vaccine ang may 5,130 frontliners at essential workers sa lungsod.

 

vuukle comment

PNEUMONIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with