^

Metro

600 tauhan ng Coast Guard, positibo sa COVID-19

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
600 tauhan ng Coast Guard, positibo sa COVID-19
Sa ulat ng PCG kahapon, 71 ang mga bagong kasong naiulat kaya umak­yat ang bilang ng aktibong kaso sa 297.
PCG/Released

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 600 tauhan ng Philippine Coast Guard ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) habang patuloy ang kanilang serbisyo sa paghahatid sa mga LSI (locally stranded indi­vid­uals) at mga dumarating na overseas Filipino workers (OFWs) sa kani-kanilang mga probinsya.

Sa ulat ng PCG kahapon, 71 ang mga bagong kasong naiulat kaya umak­yat ang bilang ng aktibong kaso sa 297.

Agad na ipinull-out sa kanilang mga istasyon ang naturang mga tauhan at binigyan ng angkop na medikal na atensyon. Isinasailalim naman sa monitoring ang mga tauhan na nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Tiniyak ng PCG ang regular na pagsasagawa ng ‘swab testing’ sa kanilang mga tauhan na frontliners at sinusuplayan ng sapat na bitamina, PPE sets at mga medical supplies para maayos na magampanan ang kanilang mga tungkulin.

vuukle comment

COVID-19

PCG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with