^

Metro

P186.9 milyong puslit na sigarilyo, nasabat

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot  sa P186.9 mil­yong halaga ng mga sigarilyo na ilegal na ipinasok sa bansa ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP) sa Maynila kamaka­lawa. Nabatid na nagduda ang BOC sa kargamento na laman ng pitong containers na idineklara na naglalaman ng mga tuwalya, school bags, bed sheets, iba pang uri ng bag at mga tela.

Ngunit nang isailalim sa physical examination, nadis­kubre na naglalaman ang mga ito ng 6,249 maste cases ng mga sigarilyo na may brand na Two Moon, Might, Marvel and D&B na tinatayang nagkakahalaga ng P186.9 milyon.

“This operation marks the biggest apprehension of smuggled cigarettes by MICP which now has an accumulated total of Php 219.6 million,” ayon sa BOC.

Patuloy namang kinikilala ng BOC ang consignee ng naturang kontrabando para masampahan ng kaukulang kaso.

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with