^

Metro

Kilos-protesta vs SONA, generally peaceful – NCRPO

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Kilos-protesta vs SONA, generally peaceful � NCRPO
Maging ang pagsasagawa ng programa na mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 lamang ng tanghali ay nasunod hanggang sa nadisperse ang mga raliyista.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Itinuturing ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Major General Debold Sinas na general peaceful ang isinagawang kilos protesta ng mga militanteng grupo sa loob ng bisinidad ng Unibersidad ng Pilipinas.

Ayon kay Sinas sinunod naman ng mga militante sa kanilang napagkasunduan na hindi magtutungo sa Commonwealth area at tanging sa loob lamang ng UP isinagawa ang kanilang pagkilos.

Maging ang pagsasagawa ng programa na mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 lamang ng tanghali ay nasunod hanggang sa nadisperse ang mga raliyista.

Taliwas naman ang bilang na sinabi ni Bayan Secretary General Renato Reyes na aabot  sa 7,000 hanggang 8,000 ang lumahok sa ‘SONAgkaisa’ dahil kung pagbabasehan ang datus ng Quezon City Police District (QCPD) ay tinatayang nasa 1,700 hanggang 1,800 lamang ang lumahok sa protesta.

Samantala, umabot naman sa 34 na mga i­ndibiduwal ang naaresto ng kapulisan kung saan lima sa caloocan, lima sa Quezon City at 24 sa Marikina.

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with