LTFRB balik-operasyon ngayon
MANILA, Philippines — Balik-operasyon na ngayong Lunes, Hulyo 20, ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office.
Matatandaang unang isinara ang naturang tanggapan noong nakaraang linggo para bigyang-daan ang pagsasagawa ng disinfection sa mga pasilidad makaraang magpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado nito.
Sa kabila naman nang pagbubukas na ng tanggapan, hinikayat nito ang stakeholders na gumamit ng online transactions kung magre-request ng Special Permit; may Correction of Typographical Error; Request for Confirmation of Unit/s; Request for Franchise Verification; Request for Issuance or Extension Provisional Authority; Legal Concerns/Query on Hearing Schedule at Status.
Maaari anilang tingnan kung paano ito gagawin sa pamamagitan ng link na https://ncr-ltfrb.pisopay.com.ph/en.
- Latest