^

Metro

Armored personnel carriers dinala sa Navotas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Armored personnel carriers dinala sa Navotas
Personal na ininspeksyon ni NCRPO chief Police Major General Debold Sinas ang sitwasyon sa Navotas, gayundin ang mga barangay officials katuwang ng pulis na magbabantay sa lockdown.
Michael Varcas

Sa pagpapairal ng lockdown

MANILA, Philippines — Inilatag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kahapon ang dala­wang armored personnel carrier sa Navotas City sa pagsisimula ng 14 na araw na lockdown sa lungsod.

Personal na ininspeksyon ni NCRPO chief Police Major General Debold Sinas ang sitwasyon sa Navotas, gayundin ang mga barangay officials katuwang ng pulis na magbabantay sa lockdown.

Ayon kay Sinas layon ng dalawang APC na mapigil ang paggala ng mga residente at paalalahanan ang mga residente sa presensya ng pulisya sa lugar.

Una nang sinabi ng PNP na tutulong ang mga tauhan ng Special Action Force sa pagpapatupad ng lockdown sa Navotas.

Matatapos ang lockdown sa Hulyo 29.

Samantala, ipinatutupad na rin ng lungsod ang City Ordinance No. 2020-33 na nagtatakda ng 24-hour curfew para sa lahat ng mga menor de edad o batang wala pang 18 taong gulang.

Nangangahulugan na hindi pwedeng lumabas ng bahay ang mga menor-de-edad maliban lamang kung sila ay mag-ienrol kasama ang kanilang magulang o guardian o kung may emergency.

Kung hahayaan ng mga magulang na gumala o tumambay at maglaro ang ka­nilang mga anak, may kakaharaping parusa ang mga ito.

vuukle comment

LOCKDOWN

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with