^

Probinsiya

Dayo sa Tarlac na namatay, COVID-19 positive

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isangmister nataga-Isabela na dumayo at namatay saTarlac noong Hulyo 10 ang positibo sa CO­VID-19 matapos lumabas ang resulta ng ginawang pagsusuri sa kanyang health authorities kahapon lamang.

Sa report ng Tarlac-COVID-19 Task Force, ang 57-anyos na lalaki na hindi na tinukoy kung saang munisipalidad ga­ling ay dumating sa bayan ng San Cle­mente upang dalawin naman ang kapatid nitong nakaratay sa banig ng karamdaman noon pang Hunyo 21.

Nakaranas umano ng sintomas ng COVID ang mister noong Hulyo 5 at nang­ lumala ang pag-uubo nito ay isinugod sa isang pribadong ospital.

Nabatid na may ­diabetes at altapresyon ang naturang mister na pasyente.

Ayon sa Task Force, inilipat ang pasyentenoong Hulyo 9 sa Tarlac Provincial Hospital na malala na ang ka­lagayan at bumigay na nang sumunod na araw dahil sa kumplikasyong dulot ng pneumonia at acute res­piratory distress syndrome. Lumabas ang resulta ng swab test nito na positibo sa coronavirus.

Samantala, dinala sa health facility ng Asean Convention Center sa Clark, Pampanga ang isang umuwing overseas Filipino worker (OFW) noong Biyernes mula sa Qatar at tubong Nueva Ecija matapos siya ng magpositibo sa CO­VID-19 kahapon.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with