Ipinuslit na US dollars, nasabat sa FedEx warehouse
MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang parcel na naglalaman ng $15,700 US dollars o katumbas ng halos P800,000 na idineklarang personal documents mula sa Durham, USA, sa isang warehouse sa Pasay City, nitong Biyernes (Hulyo 10).
Sinabi ni NAIA Customs district collector, Mimel Talusan na ang nasamsam na dolyares ay natuklasan nang dumaan sa comprehensive x-ray scan at physical examination ang parcel na dumating sa FedEx warehouse at naka-consign sa isang residente ng Parañaque.
Paglabag sa Sections 1400 at 1113 ng Republic Act 10863 “Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) (in relation to the New Central Bank Act and BSP Foreign Exchange Transaction Manual) ang pagpupuslit ng nasabing foreign currency na ‘subject for seizure and forfeiture proceedings.
Ang nasabing salapi ay misdeclared at pinalabas na dokumento lamang.
Naniniwala ang BOC na ang mga iligal na pagpasok ng pera ng walang proper declaration ay ginagamit na panggastos sa iligal na gawain sa bansa.
- Latest