^

Metro

Pagsasalita sa loob ng tren ng LRT-1, ipinagbawal!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagsasalita sa loob ng tren ng LRT-1, ipinagbawal!
Idinagdag pa nito na mayroon silang mga marshalls at LRT personnel na mag-iikot sa mga tren para ipatupad ang naturang protocol.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) pagkalat ng COVID-19.

Sa isang panayam sa radyo kay LRMC Corporate Communications head Jacqueline Gorospe, napansin nila na marami pa ring pasahero ang nagta­tanggal ng kanilang face masks sa loob ng tren lalo na kapag sasagot o tatawag sa kanilang cellphone.

“Knowing ‘yung  COVID-19, nata-trans­mit siya through droplets, another layer of protection is if walang nagsasalita, walang lalabas na droplets,” ayon pa kay Gorospe.

“We remind our passengers na kailangan po i-postpone muna ‘yung call. Or if they need to talk, kailangan nakasuot ang mask,” she added.

Idinagdag pa nito na mayroon silang mga marshalls at LRT personnel na mag-iikot sa mga tren para ipatupad ang naturang protocol.

Samantala, inamin naman ni Gorospe na walo sa kanilang mga personnel ang nagpositibo sa COVID-19 sa nakalipas na ilang buwan.

Sumailalim umano ang mga ito sa quarantine at dalawa o tatlo na ang nakarekober.

Nasa 50 porsi­yento umano ang ka­nilang mga dineploy sa depot at iba’t ibang opisina noong ECQ at hanggang ngayong GCQ.

vuukle comment

LIGHT RAIL TRANSIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with